May 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pinanindigan: Gene Padilla, nagpa-tattoo ng 'Mr. Uninvited'

Pinanindigan: Gene Padilla, nagpa-tattoo ng 'Mr. Uninvited'
Photo courtesy: Gene Padilla (IG)

Usap-usapan ang pagpapalagay ng tattoo ng komedyanteng si Gene Padilla sa kaniyang kaliwang braso, na ang mababasa ay "Mr. Uninvited."

"Anong kulay kaya maganda para dito? Hmmmmm" caption niya sa isang Instagram post.

Nag-ugat ito sa pagkuyog sa kaniya ng mga netizen at pagsita sa kaniya ni Marjorie Barretto patungkol sa pagpunta niya sa kasal ni Claudia Barretto, na pamangkin at anak naman ng kapatid na si Dennis Padilla.

Dito ay naglabas ng kaniyang rant si Gene dahil hindi raw si Dennis ang naghatid sa kaniyang anak sa altar.

Tsika at Intriga

Drag queen, kinuyog sa pagkutya raw sa pagkawala ng leg ni Jiggly Caliente

Bagay na sinabi naman ni Marjorie sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz na hindi naman daw invited sa kasal si Gene subalit nagpunta pa rin ito.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Pre, you were not uninvited, you were simply just not invited. Magkaiba yun."

"'breeding' Naman next mong ipatattoo mukhang lacking ka nun e."

"Di ka nga invited. Paano ka ma uninvite? Unless you invited yourself?"

"Si kuya naman pinanindigan ang pagiging tanga"

"Papansin magkapatid nga kayo kups."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gene sa mga okray na natanggap niya mula sa netizens.

KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla may hugot tungkol sa 'imbitasyon' pero kinuyog ng netizens

KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla kinuyog ng netizens; may pagkuda, 'di naman daw pala invited sa kasal