Umapela ng "not guilty plea" ang kampo ng aktor na si Archie Alemania para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kaniya ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela noong 2024, na naganap sa isang party kaugnay ng seryeng pinagsamahan nila sa GMA Network.
Sa ulat ng "24 Oras" ng Kapuso Network noong Martes, Abril 29, pinahintulutan daw ng korte ang kampo ni Archie na huwag nang pag-usapan ang patungkol sa kaso, sa publiko.
Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Archie, subalit maaari itong makapagpiyansa.
Samantala, sa panayam naman kay Rita, sinabi niyang naniniwala siyang lalabas din ang totoo.
"I feel bad. I mean, ako, I know my truth and I know God is with me and kahit anong mangyari, kahit gaano pa katagal, lalabas at lalabas 'yong totoo," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Archie Alemania, may warrant of arrest na mula sa Bacoor court