April 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan
Photo courtesy: Marco Gumabao, Cristine Reyes (FB)

Hiwalay pa rin daw ang celebrity couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes, kahit na napabalitang nag-followan na ulit sila sa Instagram account.

Pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena sa showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa napabalitang hiwalayan ng celebrity couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes, sa kasagsagan ng pangangampanya ng una bilang kandidato sa pagkakongresista ng 4th district ng Camarines Sur.

Ayon kay Ogie, naglipana na raw ang fake news sa social media na tila "sinisiraan" ang image ni Marco. Inere pa nga niya ang ilang clips mula sa isang showbiz-oriented Facebook page na nagpapakalat ng fake news, na umano'y kaya naghiwalay ang dalawa hindi dahil sa third party, kundi dahil sa pera.

Ginagawan ng pekeng balita si Marco na umano'y wala naman daw ambag sa naging relasyon nila ni Cristine. Puro hingi at inaasa lang daw ng aktor ang lahat kay Cristine, bagay na ikinaloka naman ni Ogie.

Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, naghiwalay dahil sa pera?

"Naghiwalay dahil sa pera? Diyos ko naman," reaksiyon pa ni Ogie na tila hindi makapaniwala.

Sunod na tanong ni Mama Loi ay kung totoo bang nagkabalikan na ang dalawa matapos mapaulat na nag-followan na ulit sila, matapos maispatan ng mga netizen na tila nag-unfollow sila sa kani-kanilang Instagram accounts.

"Ang alam ko, eh hiwalay naman na talaga sila. Break na sila. Pero nag-ano na sila, nag-followan," anang Ogie.

"Unang nag-follow sa Instagram ulit si Cristine tapos sumunod naman si Marco Gumabao," dagdag pa.

Pero singit pa ni Mama Loi, sa showbiz daw kasi, kapag nag-follow na ulit sa isa't isa ang nag-unfollowang love birds, nagiging senyales ito ng netizens para masabing nagkabalikan na sila.

Pero sansala ni Ogie, "Hindi pa yata. Meron akong nakausap very very close sa kanilang dalawa, hindi naman totoong nagkabalikan."

"Eh bakit daw naghiwalay?" sundot na tanong pa ni Mama Loi.

Sa una ay biniro pa ni Ogie na si Mama Loi ang rason, pero sinabi rin niya na "mutual decision" naman daw ang naganap. Naghiwalay raw sila na okay sila.

Matatandaang kay Ogie rin nanggaling ang kumpirmasyon mula sa isang source na malapit sa dalawa, na talagang nagka-split na sina Marco at Cristine.

Going back naman sa ibinalita ng page na nagbabalita raw ng "fake news," sinabi ni Ogie na personally ay hindi siya naniniwalang umaasa lamang si Marco kay Cristine dahil sa kasalukuyan ay wala raw siyang work o proyekto.

Isang malapit daw kay Marco na kakilala ni Ogie ang nagsabing sabihin nang matipid sa paggastos ang aktor subalit may pera siya dahil ayaw niyang umaasa. Kaya sey ni Ogie, hindi totoo ang ipinakakalat ng nabanggit na Facebook page.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag sina Marco at Cristine hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Marco Gumabao at Cristine Reyes, naghiwalay dahil sa pera?