April 29, 2025

Home SHOWBIZ

Vhong Navarro, ibinahagi natutuhan mula sa 'madilim na nakaraan'

Vhong Navarro, ibinahagi natutuhan mula sa 'madilim na nakaraan'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ng komedyante at “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro ang dalawang bagay na natutunan niya mula sa kaniyang madilim na nakaraan.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Bernadette Sembrano noong Linggo, Abril 27, inusisa si Vhong ng Kapamilya broadcast-journalist kung ano raw ang ayaw na niyang balikan pa sa buhay.

“Siyempre ‘yong mga madilim na nakaraan ko. Siyempre parang isa siyang bangungot,” saad ni Vhong. 

Dagdag pa niya, “Ang ginagawa ko na lang, nagdadasal na lang ako. Siya talaga ‘yong pinakamalakas; ‘yong faith natin. ‘Yon ‘yong pinanlaban ko no’ng nando’n ako sa madilim na pinanggalingan ko.”

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Bagama’t umagapay naman daw kay Vhong ang mga kaibigan, pamilya, at mga tagasuporta, dasal daw talaga ang nagpatibay sa kaniya.

“Anong lesson mo naman sa buhay from that?” tanong ni Bernadette.

Sagot ni Vhong, “Maging stick to one ka. ‘Yon lang ‘yong lesson talaga. Hiuwag kang manloloko.”

Matatandaang nahatulan na ng habambuhay na pagkabilanggo noong 2024 sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ilan pang kasangkot sa kasong "serious illegal detention for ransom" na isinampa sa kanila ni Vhong.

Nag-ugat ang gusot sa pagitan nilang tatlo at iba pang mga kasama dahil sa umano'y pagtatangkang paggahasa ni Vhong una kay Deniece noong Enero 22, 2014.

MAKI-BALITA: Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa kasong isinampa ni Vhong Navarro