Usap-usapan ng mga netizen ang isang eksena sa panghapong seryeng "Mommy Dearest" na pinagbibidahan nina Camille Prats at Katrina Halili dahil sa mala-"Star Wars" na ganap sa pagpapang-abot ng mga karakter nila.
Sa nabanggit na eksena mula sa episode 45, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga karakter nina Camille at Katrina, na umabot sa sukdulan kaya bigla na lamang kinuha ng karakter ni Camille ang panindang laruang espada ng isang nakatambay na naglalako ng toys.
Hindi rin nagpatalo si Katrina hanggang sa magkaespadahan na sila.
Naalala ng mga netizen ang eksena naman sa seryeng "Ika-6 na Utos" kung saan nag-trending ang paghawak ng water gun ni Georgia, na ginampanan naman ni Ryza Cenon, nang magkaengkuwentro naman sila ni Emma na ginanapan naman ni Sunshine Dizon.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Sabi siguro ng direktor, Okay na toh haha."
"Hayan na naman ang GMA sa mga ganiyan, baka sinasadya para pag-usapan?"
"Isip bata siguro ang director ng pelikulang to"
"Hirap n'yo ipagtanggol GMa"
"Okay nga eh at least may humor hehehe."
"Nakaka tuwa parang bata lang mag away"
"Ang lala hahaha"
"Anong ginawa n'yo kay Camille huhuhu."
"From Sarah Ang Munting Prinsesa to Star Wars real quick hahaha."