April 29, 2025

Home BALITA Eleksyon

Rita Avila, inendorso sina Kiko-Bam-Heidi-Luke sa pagkasenador

Rita Avila, inendorso sina Kiko-Bam-Heidi-Luke sa pagkasenador
Photo Courtesy: Rita Avila (FB)

Isinapubliko ng beteranang aktres na si Rita Avila ang apat na nangungunang senador sa kaniyang listahan sa darating na 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post ni Rita noong Lunes, Abril 28, makikita ang collage na larawan ng senatorial aspirants na sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Heidi Mendoza, at Luke Espiritu.

“#senators OUR SENATORS with Sen. Risa!” saad ni Rita sa caption.

Samantala, nilapag din ng aktres sa comment section ang screenshot ng post mula sa isang Facebook group kung saan naroon ang iba pang pangalan ng iba pang kumakandidatong senador tulad nina Ronnel Arambulo, Robert Ballon, Arlene Brosas, France Castro, David D’ Angelo, Leody De Guzman, Sonny Matula, Danilo Ramos, at ang Mamamayang Liberal (ML) naman para sa party-list.

Eleksyon

Rita Avila, nagpaalala: 'Huwag na po tayong masilaw sa ayuda'

Matatandaang isa si Rita sa mga artistang bumoboses sa politika. Hayagan din niyang sinuportahan sa pagkapangulo si dating Vice President Leni Robredo noong 2022 presidential elections.

MAKI-BALITA: Rita Avila, proud sa kaniyang pink 'Leni Kiko' spaghetti; dedma sa mga bashers