Usap-usapan ng mga netizen ang ilang mga ganap sa pinag-uusapang "Pinoy Big Brother" Celebrity Collab Edition" matapos ang pagpili ng celebrity housemates sa kanilang susunod na duo.
Pinagmulan ng diskusyon at "hugot" ng mga netizen ang pag-aakalang si Kapamilya actress Bianca De Vera ang pipiliin ni Dustin matapos silang magkalapit ng loob sa PBB House, na naging dahilan pa nga ng kaunting pagtatalo nina Dustin at Kapamilya singer housemate Klarisse De Guzman, na naging dahilan ng pagkatalo nila sa weekly task.
Makikita sa kumakalat na video clips ang facial expression ni Bianca habang nagsasalita si Dustin sa kaniyang introduction kung sino ang pipiliin niyang maka-duo na Kapamilya housemate.
Pero ang pinili niya ay ang dating Kapamilya child star na si Xyriel Manabat.
Bagay na ikinagulat din ni Xyriel, pag-amin niya kay Kuya.
"Kuya gumugulong kami sa carpet n'yo po, lahat kami namimilipit na sa kilig Kuya eh, tapos plot twist, ako 'yong pinili niya Kuya," sabi ni Xyriel.