April 30, 2025

Home BALITA National

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido
Photo courtesy: MB/Inday Sara Duterte (FB)

Nahingan ng reaksiyon si Sen. Imee Marcos hinggil sa naging hirit na biro ni Vice President Sara Duterte na dapat na siyang magpalit ng apelyido, nang lumahok ang Pangalawang Pangulo sa campaign sortie ni Manila mayoral candidate Isko "Moreno" Domagoso kamakailan.

Ayon kay Sen. Imee, kahit may "bangayan" ang administrasyon ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at ang kampo ng mga Duterte, hindi raw niya papalitan ang kaniyang apelyidong Marcos.

Palagay raw ng senadora, hindi niya kailangang magpalit ng apelyido dahil tapat siya sa kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., aniya sa mga miyembro ng media.

Aminado rin siyang naaapektuhan ang kaniyang re-election dahil sa kaniyang apelyido, at dahil na rin sa pangunguna niya sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano'y ilegal na pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Isiniwalat din kamakailan ni Sen. Imee na may iba't ibang "oplan" para pabagsakin ang pamilya Duterte, at kabilang na raw dito ang impeachment case laban kay VP Sara, at iba pa.

Kamakailan lamang ay pormal at opisyal nang inendorso ni VP Sara si Sen. Imee. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee