April 29, 2025

Home BALITA National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw – PAGASA

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Posibleng mabuo bilang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Abril 29.

Base sa ulat ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, inihayag ni Weather Specialist Chenel Dominguez na huling namataan ang LPA 695 kilometro sa silangan ng Davao City.

Ani Domingues, bagama’t nananatiling mababa ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa loob ng 24 oras, hindi raw inaalis ang posibilidad na maging bagyo ito sa mga susunod na araw.

Sa kasalukuyan ay inaasahang magdadala ang trough ng LPA ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Davao Region.

National

PBBM, nag-react sa findings ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘I disagree!’

Samantala, kasalukuyan ding nakaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ)—na tumutukoy sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—sa mga natitirang bahagi ng Mindanao at Palawan, kung saan inaasahan din itong magdadala rito ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan namang magdadala ang easterlies—na tumutukoy sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.