April 30, 2025

Home SHOWBIZ Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya
Photo courtesy: Lotlot De Leon (FB)

Ibinahagi ng aktres na si Lotlot De Leon ang lumang larawan nila ng dating mother-in-law at pumanaw na si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales, at sumakabilang-buhay na inang si National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor, na parehong namayapa nitong Abril.

Si Pilita, na ina ng dating mister na si Monching Gutierrez at lola ng mga anak nilang sina Janine, Diego, Jessica, at Maxine ay pumanaw noong Abril 12, sa gulang na 87.

MAKI-BALITA: Pilita Corales—Asia’s Queen of Songs, pumanaw sa edad na 85

Wala pang isang linggo, sumunod naman si Ate Guy noong Abril 16, sa gulang na 71.

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

MAKI-BALITA: Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71

Noong Abril 22 ay nagkaroon ng state necrological service at state funeral si Ate Guy, at inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Caption ni Lotlot sa throwback photo nilang tatlo nina Pilita at Nora, "Both of you must be singing your hearts out..Enjoy heaven Mommy & Mamita "

Noong Abril 25 ay nag-post si Lotlot patungkol kay Nora.

"Hi ma.."

"Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sayo lahat mommy.. at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin. Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita nyo po yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po. "

"Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kame nagkakaisa dahil sayo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. "

"Rest easy ma.. "

"Your daughter forever,  Lot ," aniya pa.