Marami ngayon ang umookray sa celebrity basketball player na si Kobe Paras dahil sa ginawang pagbasag sa katahimikan ng inang si Jackie Forster hinggil sa naging hiwalayan ng anak at latest ex-girlfriend na si Kapuso actress Kyline Alcantara.
Sa isang video statement ay inisa-isa ni Jackie ang ilang mga detalye patungkol sa naging hiwalayan ng anak at ni Kyline, dahil hindi na raw kaya ng ina na hindi magsalita, lalo't ang napupuruhan ay kaniyang anak na tinatawag na "cheater" ng mga netizen.
Kamakailan nga, mas lalo pa itong umigting nang maispatan si Kobe na may kasamang ibang babae habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.
KAUGNAY NA BALITA: Hindi si Kyline? Pic daw ni Kobe na may ka-holding hands sa Bali, inintriga
Na-trace naman ng mga netizen kung sino raw ang nabanggit na bagong girl, at ito raw ay ang social media personality-singer na si Rhaila Tomakin.
KAUGNAY NA BALITA: 'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens
Anyway, binabanatan ng mga netizen sina Kobe at Jackie sa pagtawag sa una ng "Mama's Boy" at si Jackie naman, may pa-SONA raw o "State of the Nanay Address."
"My explanation as a mother, on a timeline and the reality people are distorting. This video is my intellectual property," mababasa sa caption ng video ni Jackie.
KAUGNAY NA BALITA: Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras
Narito ang ilan sa mga nakalap na reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa isyu na mababasa sa online world.
"Wow. SONA yarn?? lol"
"May pa-SONA wtf hahahaha...."
"Nakisakay naman sa isyu si mader... hindi ba kaya ipagtanggol ng anak ang sarili niya?"
"Parang mama's boy naman si Kobe hahaha, bakit hindi siya ang magsalita?"
"Hindi ka pa tapos Ante? Ikaw lang maingay "
Sa kabilang banda, ilang netizens din ang nagbigay ng suporta kay Jackie, dahil bilang ina ay nauunawaan daw nila ang pinanggagalingan nito.
"They are still so young.It is not meant to be so just move on.They are not in the relationship that long."
"Nakahanap ka ng katapat Kyline!"
"As a nanay, ang sakit2x isipin pag may mananakit sa anak mo, kahit may pagkukulang ang anak, hindi ibig sabihin pwedi na sya physically saktan."
"as a mom of boys pag may nanakit sa anak ko hindi ako mananahimik, papalabasin pa nagcheat eh matagal na palang hiwalay"
"Hahaha warla si Mama. Nakahanap ng katapat yun babaita na sinasabing maldita din. LOL mga fans pa naman nun eh palaaway din."
Bago ang inilabas na pahayag hinggil sa isyu ay nauna nang pinag-usapan si Jackie dahil sa ilang cryptic posts niya sa social media na may hashtag pang "Mama with receipts."
KAUGNAY NA BALITA: Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Kyline hinggil sa isyu.