April 29, 2025

Home SHOWBIZ

Di sa pagbubuhat ng bangko: Kris proud na maganda pagpapalaki kay Bimby

Di sa pagbubuhat ng bangko: Kris proud na maganda pagpapalaki kay Bimby
Photo courtesy: Screenshots from Ogie Diaz Inspires (YT)

Nakapanayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang kumare niyang si Queen of All Media Kris Aquino, nang maimbitahan siya sa 18th birthday ng anak nitong bunsong si Bimby Aquino Yap, na ginanap sa bahay ng kaibigang renowned fashion designer ni Kris na si Michael Leyva.

Isa sa mga natanong ni Ogie kay Kris ay kung ano ang birthday wish niya kay Bimby.

"Hindi wish," sagot ni Kris. "Ipinagdarasal ko parati na kung gaano siya kabait ngayon, all the way na siya na 'yong may anak, sana umabot na may apo, ganiyan pa rin kabait."

"Kasi hindi ko binubuhat 'yong bangko ko, but maganda talaga pagpapalaki sa kaniya because it takes a village. And then I had so many people helping me, marami siyang mga mentor..." paliwanag ni Kris.

Tsika at Intriga

Sparkle, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol kay Kyline Alcantara

Hanggang ngayon daw ay talagang respectful si Bimby at hindi nakalilimot lalo na sa mga kaibigan at kakilala ng kaniyang mama.

Hindi rin naniniwala si Kris na maraming "plastik" o "user-friendly" sa mundo ng showbiz at politika dahil hanggang ngayon daw, marami pa rin ang nagpapaabot ng concern sa kaniya at sa mga anak, kahit hindi na siya masyadong aktibo ngayon.

"I'm so proud of him kasi he's really smart, straight-A's pa rin, masipag siya, he wakes up before 7:00 [in the morning] for his homeschooling," paliwanag pa ng TV host-actress.

Magaling din daw si Bimby mag-handle ng younger kids dahil talagang nakikipaglaro sa kaniya at magiliw naman siya sa kanila.

Proud na proud din si Kris kapag nasasabihang guwapo, mabango at mabait ang anak.

Higit sa lahat, proud din si Kris dahil talagang nabaliktad daw ang sitwasyon nilang mag-ina lalo ngayon na may sakit siya. Hindi raw talaga umaalis sa kaniyang tabi si Bimby at talagang ina-assist siya, kagaya na lamang ng pagbubuhat sa kaniya kapag kailangan niyang magbanyo.

Nagbigay rin ng tugon ang Queen of All Media kaugnay sa mga nagsasabing sana raw ay may anak silang tulad ni Bimby.

Minsan daw, mahirap makipagdebate sa anak lalo na sa usapin ng political leanings sa America.

MAKI-BALITA: Bimby, mahirap kadebate sey ni Kris