Nagbigay ng reaksiyon ang actress-politician na si Angelika Dela Cruz kaugnay sa patong-patong na kasong isinampa sa kaniya.
Kasalukuyang kapitana si Angelika sa Barangay Logos, Malabon at kumakandidato sa pagka-vice mayor sa naturang lungsod.
Sa isang Facebook post ni Angelika noong Lunes, Abril 28, mababasa ang sentimyento niyang tila dismayado sa kasalukuyang estado ng politika sa bansa.
“Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila haayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah ” saad ni Angelika.
Matatandaang kinasuhan si Angelika ng Office of the Ombudsman ng pandarambong sa halagang hindi bababa sa ₱ 70 milyon mula sa kaban ng Barangay Longos.
Bukod dito, nahaharap din ang actress-politician sa kasong administratibo dahil sa pagpapabaya niya sa posisyon at pagpapasa ng kaniyang tungkulin sa kapatid niyang kagawad nang hindi awtorisado.