April 30, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Angelica Panganiban, balik-acting; gaganap na ina ni BINI Sheena sa MMK

Angelica Panganiban, balik-acting; gaganap na ina ni BINI Sheena sa MMK
Photo courtesy: iwantTFC

Aminado ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban na natensyon siya sa pagbabalik-pag-arte para sa muli ring pagbabalik ng drama anthology na "Maalaala Mo Kaya," matapos ang showbiz hiatus nang manganak sa firstborn nila ng mister na si Gregg Homan, na si Amila Sabine.

Next level na si Angge dahil gaganap siyang ina ng isa sa mga miyembro ng Nation's girl group na "BINI," na si Sheena Catacutan.

Ayon kay Angge sa panayam ng ABS-CBN News, ibang klaseng "hugot" na raw ito sa kaniya lalo't isa na rin siyang anak at kamamatay lamang ng kaniyang ina noong 2024.

Pero first love pa rin naman daw talaga ni Angelica ang pag-arte kaya naman muli na siyang sumasabak dito.

Teleserye

Tinalbugan 'water gun' ni Ryza? Espadahan nina Camille at Katrina, usap-usapan