April 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras

Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras
Photo Courtesy: Screenshot from Jackie Foster, Kobe Paras, Kyline Alcantara (IG) via MB

Nagbigay na ng pahayag si Jackie Foster kaugnay sa isyu ng hiwalayan ng anak niyang si Kobe Paras at Kapuso actress Kyline Alcantara.

Sa latest Instagram post ni Jackie noong Sabado, Abril 27, kinumpirma niyang totoong hiwalay na umano ang dalawa.

"So much of this mess could have been avoided if people on Kyline's team didn't ask Benjie [Paras] to tell the public that they were still okay. Why couldn't they admit it? Because of contracts,” lahad ni Jackie.

MAKI-BALITA: Benjie Paras, nagsalita sa isyung hiwalay na sina Kyline Alcantara, Kobe Paras

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Ayon kay Jackie, nakiusap umano sa kaniya si Kyline at ang pamilya nito na makipag-ayos kay Kobe. Pinayuhan umano niya ang aktres na huwag gumawa ng mga “irrational things” gaya ng pag-unfollow at pagbura ng mga picture sa social media account.

Ngunit sa kabila nito, hindi raw nakinig si Kyline. Matatandaang nagsimulang umugong ang hiwalayan nina Kyline at Kobe nang mapansin ng ilang netizens na wala na ang mga larawan nilang magkasama sa kanilang social media account na sinundan ng pag-unfollow.

MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?

Sey tuloy ni Jackie, “It really showed that Kyline will do what Kyline wants to do to get what Kyline wants.”

Dagdag pa niya, pinipisikal umano ni Kyline ang kaniyang anak.

Aniya, “You were grabbing his phone, and you physically assaulted him, and in a manner that was provoking. Why? Why would you do that? Why would you put Kobe in that position? Why do you need to be violent?”

Kaya naman proud daw siya kay Kobe dahil sa kabila ng nangyari ay mas pinili umano nitong manahimik.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang kampo ni Kyline.