April 28, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!
Photo courtesy: screengrab from Gerry Berug Bautista/FB

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang sakmalin ng isang buwaya sa Barangay Laih, Siay, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa mga ulat, sinasabing kusang-loob umanong tumalon ang lalaki sa isang kulungan kung nasaan ang buwaya, sa pag-aakalang gawa lamang daw sa plastic ang nasabing hayop.

Samantala, ligtas na ang lalaki,  na nagtamo ng iba't ibang kagat sa kaniyang katawan at bali sa buto, matapos rumesponde ang mga awtoridad. Patuloy din ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto