April 28, 2025

Home SHOWBIZ

Charlie Fleming, 'nagalit' kay Kuya matapos papasukin si Donny Pangilinan sa PBB

Charlie Fleming, 'nagalit' kay Kuya matapos papasukin si Donny Pangilinan sa PBB
Photo Courtesy: Screenshot from Charlie Fleming (TikTok), Donny Pangilinan (FB)

Tila ‘sumama ang loob’ ni Kapuso Sparkle artist Charlie Fleming kay Kuya matapos papasukin sa Bahay nito si Kapamilya star Donny Pangilinan.

Ipinasok si Donny bilang house guest sa Bahay ni Kuya matapos ang emosyunal na eviction night kina Emilio Daez at Michael Sager.

MAKI-BALITA: Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya

Sa TikTok video ni Charlie noong Linggo, Abril 27, inihayag niya ang kaniyang sentimyento kay Kuya.

Relasyon at Hiwalayan

Kris, may tatlong bet na girls para kay Bimby

"Kuya, pinasok mo si Donny no'ng wala na ako. I want to see him," mangiyak-ngiyak na sabi ni Charlie.

Dagdag pa niya, “Parinig ako nang parinig, Kuya. 'Donny lang po, pasok n'yo na.' Pinalabas n'yo ako ta's pinasok siya.”

Matatandaang bukod kay Jeremiah Lisbo, isa rin si Donny sa mga showbiz crush ni Charlie na inamin niya mismo noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.