April 28, 2025

Home BALITA

Cancer ni Doc Willie, stable na: ‘Sana tuloy-tuloy na’

Cancer ni Doc Willie, stable na: ‘Sana tuloy-tuloy na’
Photo Courtesy: Doc Willie Ong (FB)

Nagbigay ng update ang cardiologist at vlogger na si Doc Willie Ong kaugnay sa kasalukuyang lagay ng kalusugan niya.

Sa isang Facebook post ni Ong nitong Lunes, Abril 28, sinabi niyang stable na raw ang kaniyang cancer.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagdarasal sa Diyos para sa akin. Stable ang cancer ko sa ngayon. Hindi lumalaki pero hindi lumiliit,” saad ni Ong.

Dagdag pa ng doktor, “Sana tuloy-tuloy na huwag na siya lumaki. Sa ngayon naka-immunotherapy ako.”

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ayon kay Ong, masaya raw siya sa walong buwang ibinigay ng Diyos sa kaniya para makasama ang mga followers niya at mga mahal sa buhay.

Matatandaang Setyembre 2024 nang isiwalat niya sa publiko na na-diagnose siya ng sarcoma cancer.

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer