Natunton na raw ng mga marites na netizen kung sino ang babaeng "ka-holding hands while walking (HHWW)" ng celebrity basketball player na si Kobe Paras sa bakasyon nito sa Bali, Indonesia.
Batay sa ulat ng "Fashion Pulis" noong Huwebes, Abril 24, na may titulo o headline na "Spotted: Kobe Paras Walking Cozily with Unidentified Girl,"
Mababasa naman sa caption ng mga larawan, na inilagay ng naturang "reader" na nagpadala sa kanila, "Fresh from bali, Spotted holding hands while walking in bali, bahala na kayo magisip kung sino yan.
Kung pagbabasehan nga ang kanilang pamagat, pinangalanan nilang ang lalaking nakatalikod ay si Kobe at ang babaeng kasama naman ay "Unidentified Girl."
MAKI-BALITA: Hindi si Kyline? Pic daw ni Kobe na may ka-holding hands sa Bali, inintriga
Kamakailan lamang ay napabalita ang umano'y hiwalayan nina Kobe at Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Napansin kasi ng mga netizen na naka-unfollow na sila sa Instagram accounts ng isa't isa. Kaya espekulasyon ng marami, hudyat na ito na hindi na sila together, bagama't wala pa namang kumpirmasyon ang dalawa tungkol dito.
Anyway, na-research na nga ng mga netizen kung sino raw ang bagong babae sa buhay ni Kobe.
Ang pangalan daw ng girl ay si Rhaila Tomakin na isang social media personality at singer din na nasa ilalim ng "O/C Recording Company."
Lumabas na rin siya sa isang series ng "Viva One."
Bukod sa mga kumalat na larawang may ka-HHWW, pinagpiyestahan din ng mga marites ang larawang ibinahagi ni Kobe sa Instagram story niya kamakailan, kung saan spotted ang legs ng babaeng nakahiga sa kaniyang selfie.

Nai-connect-the-dot naman ito ng mga netizen sa Instagram story naman ni Rhaila, na kahalintulad daw ng background sa photo ni Kobe.

Pero sa kabilang banda, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Kobe, Kyline, at maging si Rhaila hinggil sa isyu.