April 27, 2025

Home SHOWBIZ

Karen Davila, iba ang persona sa TV at radyo

Karen Davila, iba ang persona sa TV at radyo
Photo Courtesy: Screenshots from KC After Hours, ABS-CBN News (YT)

Inamin ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila na na malayo raw sa ipinopostura niyang imahe sa media ang kaniyang totoong pagkatao.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Abril 26, sinabi niyang kung anoman ang nakikita o naririnig ng publiko sa kaniya sa TV at radyo ay kabaligtaran sa tunay na buhay. 

“My televesion person or ‘yong DZMM persona ko noon na parang tumitira, matapang, hindi ‘yon ang tunay kong pagkatao,” saad ni Karen.

Dagdag pa niya, “‘Yong tunay kong pagkatao is ako ‘yong pacifier, I want to please people, ayaw kong may magalit. And it’s how I am in my personal affairs.”

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

Bukod sa matapang na pamamahayag ni Karen, madalas din niyang iere sa social media ang kaniyang mga sentimyento sa lipunan at politika. 

Matatandaang kamakailan lang ay binweltahan niya ang ahayag ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia patungkol sa mga nurse.

MAKI-BALITA: Karen Davila kay Misamis Oriental Gov. Unabia: ‘Isa pa ito!'