Ang Chinito Boss-sikap ng Quezon City na si Dustin Yu kaya ang inaakala ni Kapuso actor David Licauco na lalabas sa Bahay Ni Kuya sa latest eviction night noong Sabado, Abril 26.?
Sa X account kasi ni David noon ding Sabado ay nagbahagi siya ng makahulugang post.
Aniya, “Akala ko lalabas na tayo tonight ”
Bagama’t walang binanggit na pangalan, tila alam ng mga netizen na si Dustin ang pinatutungkulan ng aktor. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Binuhat ni Ralph tulad ng pagbuhat sa’yo ni Barbie (smiley)"
"Parang proud ka pa na hindi na evict yang bff mong redflag."
"pakituruan ng magandang asal yung tropa mo ho, pag lumabas na. Umay."
"Magkano po nagastos nyo to save Dustin???"
"Hintayin mo lalabas na ng bnk ang retokadong bff na katulad mo jk"
"mukha laki ng nilabas mo s friend mo ah.. rich kid ka talaga kesa kila Maegan Young and Michael Daez combined."
"Aynako david i'm sure bumoto ka kay Dustin. Wag ako. "
Matatandaang sa tatlong duo na nanganib lumabas sa Bahay ni Kuya, sina Dustin at Ralph De Leon ang nakakuha ng pinakamalaking boto para maligtas sa eviction night.
MAKI-BALITA: Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya