Inamin ni Sam Pinto na minsan ay napagkamalan daw niyang mister ang asawa ng kapuwa niya aktres na si Gwen Zamora.
Matatandaang magkapatid na kambal at basketball player ang pinakasalan nina Sam at Gwen, sina Anthony Semarad at David Semerad.
Samakatuwid, sina Sam at Gwen na dating magkatrabaho noon sa GMA comedy gag show na “Bubble Gang” ay naging maghipag na.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Abril 24, nilahad ni Sam ang isang pangyayari noong birthday niya sa kanilang condominium.
“David was looking out the window. Hinawakan ko ‘yong hand niya. Sabi ko, ‘ay! Iba pala!’” natatawang sabi ni Sam.
Segunda naman ni Gwen, "The thing is they play along with it. They love it when people confuse them, they would just ride along with the joke."
Sa kasalukuyan, may dalawa nang anak si Gwen kay David at isang anak naman kina Sam at Anthony.