April 27, 2025

Home SHOWBIZ

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy Screenshot from GMA Network (Youtube)

Opsiyal na ang paglabas ng magka-duo na sina Michael Sager at Emilio Daez sa Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” nitong Sabado, Abril 26, inanunsiyo ang pagka-evict nina Michael at Emilio.

Sila ang nakakuha ng pinakamababang boto para maligtas sa eviction night na umabot lang ng 29.12%.

Samantala, ang mga kapuwa naman nilang nominadong sina Dustin Yu at Ralph De Leon ay nakakuha ng 39.93% at sina Brent Manalo at Vince Maristela ay 29.12%.

Tsika at Intriga

Jellie Aw, nag-react sa chikang nagkabalikan na sila ni Jam Ignacio

Matatandaang sina Emilio at Michael ang ikatlong namaalam na housemates kasunod nina Charlie Fleming, Kira Balinger, AC Bonifacio, at Ashley Ortega.

MAKI-BALITA: Charlie Fleming, Kira Balinger ikalawang evicted duo sa PBB

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, AC Bonifacio na-evict na sa Bahay Ni Kuya