June 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

‘Inendorso na?’ Sen. Imee, ibinahagi larawan ng pagtaas ni FPRRD noon sa kamay niya

‘Inendorso na?’ Sen. Imee, ibinahagi larawan ng pagtaas ni FPRRD noon sa kamay niya
Photo courtesy: Sen. Imee Marcos/FB

Nagbahagi si Senador Imee Marcos ng nakaraang larawan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan makikitang itinaas nito ang kaniyang kamay.

“Walang iwanan,” caption ni Marcos sa isang Facebook post nitong Sabado, Abril 26.

Habang isinusulat ito’y wala pang malinaw na pahayag ang kampo ng dating pangulo kung inendorso na nito si Marcos, bagama’t shinare ni PDP-Laban President at Senador Robin Padilla ang naturang post ng senadora.

Matatandaang taong 2019 nang iendorso ng dating pangulo ang senadora para sa Senado.

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma ni Davao City Representative Paolo "Pulong" Duterte na buo na ang 12 senador na pinal at pormal na ineendorso ng kaniyang ama, kung saan hindi kasama rito si Marcos.

MAKI-BALITA: 'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Hindi rin nabanggit ni Pulong kung ineendorso rin ba ni FPRRD si Marcos na iniendorso ni Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

Kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si FPRRD sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan.”

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Ang naturang pag-aresto ng pamahalaan sa dating pangulo at pagdala sa The Hague noong Marso 11 ang dahilan umano kaya’t kumalas ang senadora sa senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.