April 26, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Cristine Reyes, Marco Gumabao kumpirmadong split na raw

Cristine Reyes, Marco Gumabao kumpirmadong split na raw
Photo courtesy: Cristine Reyes, Marco Gumabao (IG)

Nagbigay ng updates ang showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa napababalitang unfollowan ng mag-jowang sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, na espekulasyon naman ng mga netizen, ay mukhang signos na on the rocks ang relasyon nila o hiwalay na talaga.

KAUGNAY NA BALITA: Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Batay sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update," kinumpirma ng source ni Ogie na split na raw ang dalawa, at baka magsalita tungkol dito si Marco pagkatapos ng eleksyon.

Si Marco ay tumatakbong kongresista sa 4th district ng Camarines Sur, at matatandaang sinamahan pa siya ni Cristine nang magsumite siya ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) noong Oktubre.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

KAUGNAY NA BALITA: Marco Gumabao kinuwestyon pagkandidato: 'What can you bring to the table?'

"Well, kinumpirma ito sa atin ng isang malapit sa dalawa. Yes, split na sila. Hanggang doon lang ang sinabi nito sa amin, basta pareho raw nalungkot sa nangyari ang dalawa, na ang relasyon ay umabot din ng dalawang taon. Kaya hintayin natin kung sino sa dalawa ang unang mag-iispluk," anang Ogie.

Hindi ito ang unang beses na naintrigang hiwalay na ang dalawa, pero sa pagkakataong ito, baka totohanan na talaga?

KAUGNAY NA BALITA: 'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Cristine at Marco tungkol dito.