October 11, 2024

Home BALITA

Marco Gumabao kinuwestyon pagkandidato: 'What can you bring to the table?'

Marco Gumabao kinuwestyon pagkandidato: 'What can you bring to the table?'
Photo courtesy: Marco Gumabao (IG)

Agad na sinagot ng aktor at kakandidatong representative ng 4th District ng Camarines Sur na si Marco Gumabao ang isang netizen na nagtaas ng kilay sa kaniyang desisyong maging public servant.

Sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy, araw ng Lunes, Oktubre 1, nagtungo si Gumabao kasama ang girlfriend na si Cristine Reyes sa Ka Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines Sur, para sa COC filing.

"Today marks a new journey," mababasa sa Instagram post ng actor-model.

"Para sa’kin, simula ‘to ng isang malaking yugto sa aking buhay. Panibagong simula na sigurado ako makaka gawa ng malaking epekto hindi lang para sa sarili ko, kundi sa buong 4th district ng CamSur."

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Buo ang loob ko na lumaban para sa pagbabagong matagal nang inaasam, pagbabagong matagal na dapat pinaramdam sa Partido..."

"As a christian, I believe that we are called in this world to be of service to others, and not to be served. Mark 10:45. Ako po si Marco Imperial Gumabao, at sisiguraduhin ko, na ang serbisyo ang laging mangingibabaw."

Ilang mga kapwa celebrity ang nagpakita naman ng buong suporta sa kaniya, kagaya na lamang nina Jason Abalos, Tim Yap, at iba pa.

Sa comment section, isang netizen ang direktang nagtanong sa kaniya.

"Serious question though. What can you bring to the table? No background in politics. No proper education related to politics. Just because you can run and potentially win, gagawin mo," saad ng commenter.

Hindi naman ito nalingid kay Marco at agad na sinagot.

"you’re question is very valid and thank you for asking. I understand the stigma against actors running for politics na iniisip ng iba na di nila sineseryoso yung position na tinatakbo nila. And i’m here to break that."

"At a young age I was exposed to public service already because I have family members who were public servants before. It has always been in my heart to use my platform to help people."

"With studies, I studied in Ateneo from prep to 4th yr then studied AB psych in DLSU. I’m currently taking up philippine governance, policy making and economics in UPNCPAG which i’m finishing this month."

"I’m not here to say that i’m the smartest or I know it all, but one thing is for sure, my work ethic is something i’m very proud of. Masipag ako lalo na pag gusto ko ang ginagawa ko, maayos ako maki tungo sa tao and above all, i genuinely wanna help. Thank you," aniya.

Narito ang iba pang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"lahat nmn na nagsisimula sa politics walang background."

"E taas na sana ang requirement ng isang mambabatas/ Congressman, dapat abogado or may politics background dahil ang pangunahing trabaho neto is to make a law. Sorry. Pero nagdagdag kpa sa mga nkakatawang mambabatas na hindi alam ang ginagawa sa house of representatives."

"He is a God fearing man, he is very capable to run."

"I’m not from Bicol but I like Marco as an actor and his love for Christine. Why not give him a chance? He seems to be a decent and God fearing man. Wag Lang magpa hawa Sa mga Tongressman sa House of Crocs."

"Ang daming perfect dito sa comment section. Haha! Eh di kayo din tumakbo. Gusto niya eh, anong pake niyo."

"No more to artista again. Pipiliin ko Yung may mga backgrounds sa Law."