April 27, 2025

Home SHOWBIZ Events

Celia sa mga artistang nag-aaspire maging National Artist: 'Bili na lang kayo sariling trophy!'

Celia sa mga artistang nag-aaspire maging National Artist: 'Bili na lang kayo sariling trophy!'
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Inspire (YT)/Ralph Mendoza (BALITA)

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang "real talk" ng batikang aktres na si Celia Rodriguez para sa mga artistang nag-aaspire o naghahangad daw na maging National Artist for Film and Broadcast Arts kagaya ng namayapang si Superstar Nora Aunor.

Pabiro kasing nasabi ni Celia sa eulogy ng huling lamay ni Nora na kung may naghahangad man daw na artistang nais sumunod sa yapak ng Superstar, siguro daw ay bumili na lamang siya ng sariling tropeo.

"Siguro ang susunod sa kaniyang National Artist, si Eddie Garcia, Gloria Romero, Lea Salonga...'yong ibang nag-aaspire, bumili na lang kayo ng sarili n'yong trophy," aniya na ikinatawa naman ng mga naroon.

Si Nora, ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula at Broadcast Arts noong 2022.

Events

Lhar Santiago nagdiwang ng kaarawan pero netizens, kinabahan?

BASAHIN: ALAMIN: Ano-ano ang benepisyong natatanggap ng isang National Artist?