April 26, 2025

Home BALITA Politics

Bimby mag-aabogado, pinaplanong pumasok sa politika?

Bimby mag-aabogado, pinaplanong pumasok sa politika?
Photo Courtesy: Screenshot from Erin Diaz (YT)

Inilahad ng anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby ang kaniyang plano ngayong siya ay nasa legal na edad na.

Sa latest episode ng vlog ni Erin Diaz kamakailan, sinabi ni Bimby ang kursong kukunin niya sa kolehiyo.

“Legal management, Tito Ogie [Diaz]. Maging lawyer. Imagine mo, Atty. Bimb,” saad ni Bimby.

“Kasi diverse e,” paliwanag niya. “Let’s be honest. Sa business, sa politics, sa showbiz also.”

Politics

Alexa Calleja, iniiwasang magbiro tungkol sa politika

Hindi tuloy naiwasang itanong kay Bimby kung papasukin niya rin ba ang politika lalo na’t naging presidente ng Pilipinas ang lola at tito niya.

“It’s always an option, e. Kasi sabi ni Lola, my mom said, everyone in my family who entered politics, it’s a calling, e,” aniya.

Dagdag pa ni Bimby, “It’s not an easy job. But it’s a job that can help so many people. Pero alam mo naman sa politika, Tito Ogie. ‘Di naman toxic but more of you have to be careful talaga.”

Matatandaang sa isang panayam ni Ogie kay Bimby sa Amerika noong Hunyo 2024 ay ibinahagi nito ang tungkol sa pagbalik niya sa Maynila para mag-aral.

MAKI-BALITA: Bimby, babalik na sa Manila para mag-aral