April 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bianca Gonzalez pumalag sa netizen na minura si Kuya dahil kay Shuvee Etrata

Bianca Gonzalez pumalag sa netizen na minura si Kuya dahil kay Shuvee Etrata
Photo courtesy: Bianca Gonzalez, @nocefm (X)

Hindi pinalagpas ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" host na si Bianca Gonzalez ang pagmumura ng isang netizen kay "Kuya," ang boses na nasa likod ng PBB House, matapos daw na patawan ng parusa ang Kapuso housemate na si Shuvee Etrata.

Batay sa mga lumalabas na clips sa social media platforms, makikitang tila ikinabahala rin ng ilang housemates ang pagkakabilad sa init ng araw ni Shuvee habang nasa activity area.

Isa na nga rito ang hindi napigilang magmura.

Mababasa, "Tangn@ mo kuyaa binilad mo si Shuvee under 43 degrees Manila sun??!!! wtf talaga this is inhumanely ungodly grabe sa mga babae ang PBB."

Tsika at Intriga

Harvey Bautista, rumesbak sa bashers ng jowang si AC Bonifacio

Inalmahan naman ni Bianca ang pagmumura ng netizen kay Kuya. Aniya, "Nagmamagaling? Are you sure na yan ang 'utos' ni Kuya, narinig mo mismo na sinabi ni Kuya na kailangan nasa ilalim ng araw?"

"Kailangan murahin si Kuya? Puwede niyo naman piliin na mag-post na may respeto pa rin, bakit kailangang pabalang/magmura agad?"

Photo courtesy: Screenshot from Bianca Gonzalez (X)

Sa isa pang X post ni Bianca, "Pag sinagot ng maayos, magde-delete ng post. Uulitin ko, alam naman nating lahat kung ano ang tama o mali pagdating sa pag-post, kung ano yung sobra na at 'di tama, at kung paano sumagot ng may respeto pa rin. Magbahagi sana ng saloobin ng may respeto pa rin."

"On the flip side, thank you to everyone supporting their favorite housemates without dragging others down. Nakakatuwang basahin, even when you defend other housemates To those with constructive criticism and suggestions sa show who share their thoughts na may respeto, we hear you, and maraming salamat!!" dagdag pa ng host.

Photo courtesy: Screenshot from Bianca Gonzalez (X)

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Of course Bianca will protect PBB kahit baluktot at evident ang misogyny. Kagagaling lang ng dysmenorrhea ni shuvee yet hinayaan nyo sya mabilag sa labas na ang taas ng heat index. While river has been saying green jokes. Dahil alam nyo na matutuwa mga tao?"

"Oo nga naman. Huwag puro mura guys. Sabihin nang maayos ang mga sentiment. Sa kabilang banda, bakit nga ba ganoon ang ipinagawa kay Shuvee? Paano 'pag na-heat stroke 'yan?"

"Bianca Gonzales out here defending 'Kuya' - a made up patriarchal figure for being cursed at rather than clarifying that Shuvee is safe and her health not risked for her punishment. An official statement from PBB would end all speculation kesa nakikipag-away ka sa cvs"

"Mass report sa MTRCB!! This is basically inhumane treatment kay Shuvee!!"

"So bakit binilad si shuvee?? Can u explain that part? Alam nyo na sobrang init ngyon. Tpos ibibilad nyo?"

Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng PBB tungkol sa isyu.