April 26, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR
Manila Mayor Honey Lacuna (File photo)

Hinainan ng Commission on Elections (Comelec) ng show-cause order ang reelectionist na si Manila Mayor Honey Lacuna dahil sa umano’y vote-buying at abuse of state resources (ASR) nitong Biyernes, Abril 25, isang araw matapos ding isyuhan ang mga katunggali niyang sina dating Manila Mayor Isko Moreno at Sam Versoza.

Ito ay base sa pinakahuling listahan ng Comelec na inilabas nitong Biyernes, kung saan 18 iba pang mga kandidato ang inisyuhan ng show-cause order.

Kasama ni Lacuna sa naturang 19 mga kandidato na pinagpapaliwanag ng Comelec nitong Biyernes si Marikina Rep. Stella Quimbo, na tumatakbo bilang alkalde ng Marikina, at ang kaniyang asawang si Miro Quimbo na kandidato naman bilang kinatawan ng lungsod sa House of Representatives.

MAKI-BALITA: Rep. Stella Quimbo, kasama sa pinagpapaliwanag ng Comelec dahil sa umano'y vote-buying

Eleksyon

Election-Related Violence, pumalo na sa 30—PNP

Samantala, matatandaang nito lamang Huwebes, Abril 24, nang ibahagi rin ng Comelec ang paghain nila ng show-cause kina Manila Mayoral bets Moreno at Versoza dahil din umano sa “vote-buying.”

MAKI-BALITA: Mayoral bets Isko, Versoza, Malapitan at 6 iba pa, hahainan ng show cause order dahil sa umano’y vote-buying