Muling nabuhay ang bulung-bulungan na split na ang celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
May ilang netizens kasing nakapuna na hindi na naka-follow sa Instagram account ng isa’t isa sina Cristine at Marco.


Kung bibistahin ang IG account ng dalawa, mapapansing wala silang latest picture. Pero sa kasalukuyan, hindi pa naman sila naglalabas ng anomang pahayag o reaksiyon hinggil dito.
Minsan na ring lumutang ang intrigang hiwalay na sina Cristine at Marco last year.
Matatandaang Agosto 2024 ay tinadtad si Marco ng tanong mula sa mga netizen kung sila pa raw ba ni Cristine matapos mapansing wala ang huli sa birthday celebration nito.
MAKI-BALITA; Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes
Lalong lumakas ang hinala nila nang mag-deactivate si Cristine ng kaniyang Instagram account. Pero sa isang panayam ay pinabulaanan ng kaniyang kapatid na si Ara Mina ang tungkol sa naturang isyu ng hiwalayan.
MAKI-BALITA: Ara Mina, nagsalita sa tsikang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao
Tuluyang naapula ang intriga ng ibahagi ni Cristine ang pictures nila ni Marco nang magkasama.
MAKI-BALITA: 'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens