April 24, 2025

Home BALITA Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

Magandang balita para sa mga solo parents dahil pagkakalooban sila ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa Sabado, Abril 26.

Ito’y bilang pakikiisa ng mga naturang rail lines sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week at kahilingan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na maaaring ma-avail ng mga solo parents ang free ride mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa naturang petsa.

Kinakailangan lamang umano ng mga solo parents na iprisinta ang kanilang solo parents ID sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT-2 kung saan sila sasakay.

Metro

Crime rate sa NCR, bumaba sa nakaraang 5 buwan—NCRPO

Bukod naman sa libreng sakay, magkakaroon rin doon ng one-stop shop caravan kung saan maaaring makapagparehistro ang mga solo parents o di kaya ay makapag-renew ng kanilang solo parent cards.