Usap-usapan ng mga marites ang post ng isang entertainment site kung saan makikita ang isang nakatalikod na lalaki at babaeng magkahawak pa ng kamay.
Mababasa sa ulat ng "Fashion Pulis" ang titulo o headline na "Spotted: Kobe Paras Walking Cozily with Unidentified Girl" na inilathala nila, Huwebes, Abril 24.
Batay sa kanilang photo credits, ipinadala ang mga larawan sa kanila ng isang reader.
Mababasa naman sa caption ng mga larawan, na inilagay ng naturang "reader" na nagpadala sa kanila, "Fresh from bali, Spotted holding hands while walking in bali, bahala na kayo magisip kung sino yan."

Kung pagbabasehan nga ang kanilang pamagat, pinangalanan nilang ang lalaking nakatalikod ay si Kobe at ang babaeng kasama naman ay "Unidentified Girl."
Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Glad nakawala ka sa chikboy na yan kyline. Hindi na yan magbabago. You deserve better"
"Babaero pala to"
"Wow ang bilis. Kyline has the right to feel betrayed."
"I want to know what Jackie has to say to this. #Mamawithreceipts"
"Wala mn lg 3 month rule.. "
"Wala talaga akong tiwala sa hilatsa ng mukha mo Kobe hehehehehe!"
Sa kabilang banda, ilang netizens din naman ang nagtanggol kay Kobe.
"Hahahah wala siyang pakialam sa inyo. Sa ex syota nga niya eh wala siyang pake, sa mga Maritess pa ba"
"Pag matanda na at kalbo na, titigil din yan sa pangbababae heheh. Ganun talaga, men will be men. Peak ng lalake yang ganyang edad. Peak sa lahat ng bagay hahah. Kaya kung ikaw ang jowawang babae niyan mag ENJOY ka na lang din whilst it last para di ka lugi sa sobrang stress at heart break. Tapos kung gusto mo siyang iwanan o magjowa ng iba, unahan mo na lang din. Ganun lang naman ang buhay. Mag enjoy ka habang wala ka pang napipirmahang marriage contract."
"I dont think lalabas sila ng ganyan agad agad kung may cheating talaga"
"Paano naging babaero e hiwalay na sila nung nakipag landian si kobe sa iba"
"Sinabi ba nila na sila? As in me commitment? Baka nasa situationship lang sila? Wala kase ako narinig na umamin sila na bf-gf sila."
Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pag-unfollow sa isa't isa nina Kyline at Kobe sa kani-kanilang Instagram accounts, sa hindi pa malamang dahilan.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!
MAKI-BALITA: Kobe Paras, nag-unfollow na rin si Kyline Alcantara
Pagkatapos nito ay pinag-usapan naman ang cryptic posts ni Jackie Forster, ina ni Kobe, tungkol sa "manipulation." Gumamit pa si Jackie ng hashtag na "Mama with receipts."
MAKI-BALITA: Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Kobe o ni Kyline tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.