April 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bagong puksaan? Cryptic post ni Denise Julia, iniintrigang banat kay BJ Pascual

Bagong puksaan? Cryptic post ni Denise Julia, iniintrigang banat kay BJ Pascual
Photo courtesy: Denise Julia, BJ Pascual (IG)

Usap-usapan ang makahulugang post sa X ng singer na si Denise Julia, na bagama't walang pinangalanan, ay iniuugnay ng mga netizen laban sa nakaalitang celebrity photographer na si BJ Pascual.

Mababasa sa X post ni Denise noong Abril 23 ng gabi, "guess going after young professionals is ur thinggggg."

Photo courtesy: Denise Julia (X)

Kalaunan, hindi na ito mahahagilap pa sa X account ni Julia dahil mukhang deleted na ito.

Subalit na-screenshot na ito ng mga netizen at pinagpiyestahan na, lalo na sa ilang social media pages. Batay sa espekulasyon ng mga netizen, ang pinariringgan umano ng singer ay ang photographer, matapos daw mag-hard launch ng relasyon sa isang 19 anyos na afam, habang siya naman umano ay 37 anyos.

Tsika at Intriga

Nora lumapit para ibenta lupain sa Iriga; Chavit, sinagot hospital bills niya

Batay kasi sa "research" ng mga netizen, ang foreigner boyfriend umano ni BJ ay isinilang noong 2005.

Ginawa naman itong biro ng iba't ibang social media pages na nag-aabang sa part 2 ng "puksaan" ng dalawa.

"mag-aaway na naman ba kayo mga teh Denise Julia and BJ Pascual paki-confirm kasi matutulog na kami," mababasa sa post ng "Follow The Trend Movement (FTTM)."

Photo courtesy: Screenshot from FTTM (FB)

Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan nina Julia at pascual noong December 2024, sangkot ang content creator na si Killa Kush matapos ang kontrobersiyal na podcast ng huli, nang matanong niya si Pascual patungkol sa "worst experience" niya na kaniyang nakatrabaho sa photoshoot.

Tahasang isinagot naman ng photographer ang nabanggit na singer, na umabot pa sa parinigan at pagbibigay ng pahayag ng magkabilang panig sa pamamagitan ng screenshots.

KAUGNAY NA BALITA: Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

KAUGNAY NA BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Sa huli, nagbanta pa si Julia hinggil sa posibilidad na magsagawa siya ng legal actions laban kay Pascual.

KAUGNAY NA BALITA: Denise Julia kakasuhan ng defamation sina BJ Pascual, Killa Kush?

KAUGNAY NA BALITA: Suwabeng puksaan, usap-usapan; Denise Julia kay Killa Kush, 'I will see you in court!'

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Julia at Pascual hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.