Inakala ng netizens na pumanaw na ang social media personality at make up artist na si Hajie Alejandro dahil kapangalan nito ang kapapanaw lang na OPM icon na si Hajji Alejandro.
Matatandaang sumakabilang-buhay na si Hajji batay sa kumpirmasyon ng kaniyang pamilya noong Martes, Abril 22.
BASAHIN: OPM icon Hajji Alejandro, pumanaw na sa edad na 70
Samantala, sa ilang Tiktok video ni Hajie, maraming netizens ang nakiramay sa comment section—dahil akala nga nila pumanaw na ito.
Sa latest TikTok video, nag-post si Hajie ng video na at may text na: "POV: 3 week ka nang puyat tapos pag-open mo ng phone ang daming nag-condolence sayo."
Sa caption naman nito, nakiramay si Hajie sa pamilya ng OPM icon.
"Condolence po sa family ni sir Hajii Alejandro "
Narito ang reaksyon ng netizens:
"ibang hajie Alejandro kasiiii I thought this hajie din first"
"nag v-vc kami ng bf ko tas sinabi niya na patay na raw si ‘hajji alejandro’ ang oa ng reaction ko kasi i thought ikaw ‘yon kuya hajiee HAHAHAAH"
"nung sinabi sakin ni mama na patay na daw si hajji alejandro sabi ko "hala kakapanganak lang ng asawa nya""
"Nag uusap kame ng ka work ko sabe patay na daw si hajie alejandro, sabe ko OMG kakapanganak lng ni lenie."
"ang dami na ngang problema dumgadag pa si hajji alejandro na akala ko si kuya hajie alejandro HUHUHUUHU"
"Same kanina sa office, topic namin ng friend ko about make-up artists. Then nabanggit namin “like kay Hajie Alejandro” ito namang isa naming ka officemate narinig, tas biglang sabi; “Patay na si Hajii Alejandro” sabay saby kami nag “ha” as in ang oa to the point na muntik na kami pagalitan hahahah"
"akala ko din pag open ko ng fb sabay punta ng tiktok . ibang hajie pala"
"Sabi ko sa nanay ko “Ma patay na si Hajji Alejandro” tas sabi nya “hala magaling panaman mag make up non, ano raw kinamatay?"
"nung sinabi ng boss ko na patay na daw si hajii alejandro ikaw agad naisip ko sabi ko hala kakapanganak pa lang ni lenie ah"
"ung may picture naman na nakapost pero ikaw pa din ung naisip kong hajie alejandro"
"Sabi ko na ehh. ikaw nasa isip ng mga tao. lalo sa mga di nakakakilala kay sir hajji alejandro na singer"
"ate ko katabi ko asawa ko, tinanong kung sino si hajji alejandro, sabi ko yung asawa kako ni lenie, sabi patay na daw. Hindi ko pa nakikita picture non kaya nabigla ako, kakagising ko lang non"