Nahihiwagahan ang mga netizen sa makahulugang post ni Alynna Velasquez, longtime partner ng pumanaw na OPM legend na si Hajji Alejandro, matapos niyang sabihing hindi siya makapunta sa wake o burol dito dahil sa "reasons I don’t have control of."
Kaya naman, nagsadya na lamang si Alynna sa Eastwood City sa Quezon City para alayan ng bulaklak ang "Walk of Fame" doon ni Hajji.
"I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of. But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine!" mababasa sa kaniyang post.
"I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today. You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much! HajjiAlejandro."
Batay na rin sa post ni Alynna, Abril 21 nang magpaalam si Hajji, isang araw bago ang kanilang 27th anniversary.
Abril 22 ang kanilang aktuwal na anibersaryo.
Sa comment section, nang-urirat naman ang ilang netizens sa sinasabi ni Alynna na dahilang hindi niya kontrolado kaya hindi siya makapunta sa wake ng yumaong karelasyon.
Ilang mga netizen naman ang nagsabing anuman ang rason, dapat daw payagan ng pamilya si Alynna na makapunta sa burol dahil siya ang nakasama ng pumanaw lalo na sa mga huling sandali nito.
"Be strong sis @alynnav .. mahigpit na yakap.. nakakaiyak Naman."
"Am sorry for your loss, i just can't understand why you can't attend the wake but you were with him for his last 8 days."
"Thank you for being with Hajji in all of these years, you have been his source of Joy. He was Lucky to have a woman like you who understands him."
"the family must allowed you kasi ikaw yun nakasama at nagalaga rin kay haji... why they still have this kind of selfishness over their dead love one... may patay na nga may hinanakit pa rin... they must at least show respect kay haji"
"We really do not know the real reason behind it but somehow at least give her a chance na madalaw nya si Hajji, after all tagal nila nagsama. This is so sad."
"This is so painful in her part..27 years isn't a joke, at least allow her to see Haji for the last time."
"My deepest condolences po @alynnav sana maka dalaw at makapag paalam ka po sa love mo kahit sa huling pagkakataon. Praying for you po."
Samantala, hindi naman nagdetalye si Alynna kung ano ang sinasabi niyang dahilan kung bakit hindi siya makapunta sa wake ni Hajji.
Si Alynna ang nag-reveal na nakikipaglaban sa stage 4 colon cancer si Hajji sa panayam sa kaniya ni Julius Babao sa vlog nito.
Wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamilya Alejandro tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
KAUGNAY NA BALITA: Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary