April 23, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Naloka ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa kuwentong nakarating sa kaniya tungkol sa isang kumakandidato sa pagkasenador na umano'y nagsabing ipamimigay ang "pork barrel" niyang matatanggap kapag sinuwerte siyang maupo sa isa sa mga puwesto sa Senado.

Idinaan ni Ogie ang "birada" niya sa pamamagitan ng blind item.

"Sa isang patawag na meeting ng transport group, ipinagmamalaki ng isang nagbabalik- senador na hindi niya tinatanggap ang pork barrel," anang showbiz insider.

"Yung sumunod na kandidato, kinontra ito."

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

“'Ako ho, pag nanalo ako, kukunin ko ang pork barrel at ipamimigay ko sa inyo!'"

"Napatingin sa kisame ang Senador na di tumatanggap ng pork barrel, sa loob-loob nito: 'Alam ba niya kung ano ang pork barrel?'"

Kaya sey na lang ni Ogie, "Akala yata ni tumatakbong senador, budget na pera ang pork barrel na ibinibigay ng gobyerno sa isang senador. "

"Ang hirap talaga kung umaangkla ka lang sa popularidad at hindi sa kung may alam ba sa batas yung iboboto mo."

Huling banat ni Ogie, "In other words, matalino ka ba sa iboboto mo o hanggang saan ang 'ibobobo' mo?"

Wala namang tinukoy na pangalan o pagkakakilanlan si Ogie kung sino ang nabanggit na kandidato sa pagkasenador.