Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng mayoral re-electionist at incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang ibida ang larawan ng tarpaulin na ipinagawa sa kaniya ng supporters.
Mababasa sa nabanggit na tarpaulin na nakasabit sa isang bahay, "GOODLUCK AND ADVANCE CONGRATULATIONS on your 3rd mayoral election VICTOR MA. REGIS N. SOTTO!"
Ang ginamit na larawan kay Mayor Vico ay tila larawan niya noong siya ay nagtapos sa kolehiyo, kaya tila nagmukhang congratulatory tarpaulin ito para sa nakapasa sa board exam.
"HUY SINONG NAGPAGAWA NITO BAT GANYAN?? NAPRESSURE AKONG MAG-REVIEW," pabirong caption na lamang ni Sotto.