Nagpahayag ng pagsuporta ang dating TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla para sa senatorial race ni House Deputy Speaker at Las Piñas Lone District Representative Camille Villar, na mababasa sa kaniyang social media post.
Ayon kay Mariel na misis ng aktor na si Sen. Robin Padilla, "If i were only allowed to vote 1 senator in this race, it would be #66 CAMILLE VILLAR!!!!!!!!!!"
"The truest friend one can ever have! Isa sa pinaka humble na tao na nakikala ko. Hands on mother, tapat sa kanyang serbisyo, geniune ang kanyang puso at isang TUNAY NA KAIBIGAN NA HINDING HINDI KA IIWAN."
"Mga programa para makabigay ng trabaho, matulungan ang mental health issues at marami pang iba. Agree ako sayo VP Sara, panatag ang loob ko kay SENATOR CAMILLE VILLAR."
Sa comment section naman ng post ay makikitang naglapag ng orange heart emojis si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, na nag-endorso rin noon sa kaibigang si Sen. Mark Villar, kapatid ni Camille, nang tumakbo ito sa pagkasenador sa ilalim ng UniTeam slate nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Si Camille Villar ay personal na inendorso ni VP Sara kamakailan.
MAKI-BALITA: Camille Villar, nakipag-fist bump kay VP Sara: 'Walang iwanan'