Naglabas ng sentimyento ang model na si Christrina Rey dahil sa hindi magandang komento ng netizen patungkol sa ina ng jowa ni Kapamilya singer Klarisse De Guzman.
Habang ineere kasi ang isang episode ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong Lunes, Abril 21, sa Kapamilya Online Live, lumitaw ang isang komento mula sa isang netizen.
Anito, "Wag ka mag-alala Klang, lapit ka na lumabas. Susunod na mama mo sa papa mo."
Matatandaang nasa ibang bansa si Klarisse nang pumanaw ang ama niya matapos nitong makipaglaban sa sakit na diabetes.
Kaya naman binweltahan ni Christrina at hindi pinalampas ang insensitibong komento. Sa kaniyang Facebook post noong Martes, Abril 22, sinabi niyang wala umanong ideya si Pam sa kanilang pinagdadaanan.
“PAM MACALANDA, You don’t have any idea what we’ve been through and what we’re going through. And now you’re messaging me saying sorry, na magulo lang mind mo, and you felt attacked last night?” saad ni Christrina.
Dagdag pa niya, “Well, Kami, we’re in the right state of mind. Sana before ka nagcomment ng ganyan inisip mo ng 10 times yan.”
Ayon kay Christrina, hindi raw siya pumapatol sa mga mabababaaw na komento pero ibang usapin daw ang sinabi ng netizen.
“YOU CROSSED THE LINE. WALA KANG KARAPATAN IDAMAY SI TITO AT TITA!” aniya.
Sa kasalukuyan, pinapahanap ni Christrina ang naturang netizen para umano sa legal purposes.