Sugatan ang isang 12 taong gulang na batang babae matapos siyang saksakin gamit ang isang screwdriver.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Martes, Abril 22, nakapila ang biktima sa labas ng tanggapan ng isang TV Network sa Reliance Street, Mandaluyong City upang manghingi umano ng tulong nang biglang hablutin ng suspek ang cellphone nito at saka siya sinaksak.
Samantala, mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima na nasa mabuti nang kondisyon. Nasakote rin agad ng Mandaluyong City Police ang suspek sa basement parking ng nasabing TV Network.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ilang araw na umanong tinitiktikan ng suspek ang nasabing pila papasok ng TV Network bago isagawa ang krimen.