May apela ang tumatakbong senador na si SAGIP Rep. Rodante Marcoleta sa mga botante na sana raw ay "dalhin siya sa Senado" sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.
Mababasa sa kaniyang Facebook post, Lunes, Abril 21, "Magpapatulong po ako sa inyo. Dalhin po ninyo ako sa Senado. Itama po natin ang maraming mali na nagaganap."
Hindi ito ang unang beses na tumakbong senador si Marcoleta. Matatandaang noong 2022 presidential elections ay kasama siya sa UniTeam slate nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.
Kamakailan lamang ay inendorso si Marcoleta ni VP Sara.