April 22, 2025

Home BALITA Metro

Lalaki, pinatay 7 empleyado ng bakery dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng mga ito

Lalaki, pinatay 7 empleyado ng bakery dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng mga ito
Courtesy: PRO4A

Pinatay ng lalaki ang pitong kasamahan niya sa  bakery dahil pinagplanuhan daw siyang papatayin ng mga ito. 

Pumutok ang Balita nitong Martes, Abril 22, dahil sa pagpatay sa pitong empleyado ng isang bakery habang natutulog sa Barangay Cupang sa Antipolo City nitong Martes, Abril 22.

BASAHIN: 7 empleyado ng bakery, minasaker habang natutulog!

Sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos ang krimen. 

Metro

7 empleyado ng bakery, minasaker habang natutulog!

Ayon sa suspek, sa isang video ng PNP PRO-4A, kaya raw niya nagawa ang krimen dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng pito niyang kasamahan. 

Sinabi rin niya na pinatay niya ang mga biktima gamit ang balisong at kutsilyo sa loob mismo ng bakery.

"Nakapanlaban naman sila kaso madilim. Pinatay ko yung ilaw," kuwento pa niya. "Lahat sila lumaban. Kaso lang lamang ako kasi ako 'yong nakahawak ng kutsilyo. Kaya bawat lapit nila sa akin tamaan sila tapos no'ng nahiga na silang lahat doon ko na sila pinalo. 'Yong may gumagalaw pa."

"Kung hindi lang sana nila ako pinagplanuhang patayin sa unan para sabihin nila sa asawa ko na namatay ako sa bangungot hindi sana ito nangyari," saad pa ng suspek. 

Tinanong din ang suspek kung paano niya nalaman ang tungkol sa umano'y plano. Gayunman, hindi malinaw kung sino sa pito ang tinutukoy niyang kahati niya sa negosyo. 

"Sabi nila, 'Patayin natin si Bogart. Para pagdating sa asawa niya galing probinsya, patay na 'to. Palalabasin nating binangungot, papatayin natin sa unan.' Kasi gusto mangyari na kapag napatay na ako, sa kaniya na 'yong business namin. Hati kasi kami no'n. Kung patay na ako sa kaniya na mapunta 'yon kasi uuwi 'yong asawa ko sa probinsya tapos babayaran 'yong asawa. Syempre maliit na lang kasi wala na ako e..."

Mula raw nang malaman niyang papatayin siya ng pito ay hindi na siya natulog.