January 24, 2026

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng 4.2-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 4.2-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.2-magnitude na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 4:26 ng hapon nitong Lunes, Abril 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 42 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Mas mataas na sahod, 'national concern' ng mga Pinoy sa huling quarter ng 2025—OCTA

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.