April 21, 2025

Home BALITA Metro

Motorcycle taxidriver pinagsasaksak at ninakawan ng motor ng pasahero

Motorcycle taxidriver pinagsasaksak at ninakawan ng motor ng pasahero
Photo courtesy: Contributed photo

Sugatan ang isang 43 taong gulang na motorcycle taxi rider matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang pasahero at saka tinangay ang kaniyang motorsiklo sa isang eskinita sa Quezon City. 

Ayon sa ulat ng Unang Hirit—isang programa sa GMA Network nitong Lunes, Abril 21, 2025, nagtamo ng hindi bababa sa 10 saksak ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na sumakay umano ang suspek sa Recto Avenue sa Maynila at saka nagpahatid sa nasabing lugar kung saan niya ginawa ang krimen. Nahagip ng CCTV ang pananaksak na makikitang naunang undayan ng saksak ng suspek ang biktima habang nakasakay pa ito sa motorsiklo at hanggang sa matumba silang dalawa. 

Agad din umanong umalis ang suspek tangay ang motorsikllo ng biktima. Samantala, mabilis umanong rumesponde ang ilang residente sa lugar na nakipag-ugnayan sa barangay upang maisugod ang biktima sa ospital. 

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Ligtas na ang biktima habang nagkasa na ng manhunt operation ang mga awtoridad upang masakote ang suspek.