Usap-usapan ang pagbati ng celebrity basketball player na si James Yap sa 18th birthday ng anak nila ni Queen of All Media Kris Aquino, na si Bimby Aquino Yap.
Nagdiwang ng 18th birthday si Bimby noong Abril 19, 2025.
Makikita ang pagbati ng tatay sa kaniyang anak sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story kung saan ibinahagi ni James ang mga larawan nila ni Bimb, noong bata pa lamang ito.
"Happy 18th Birthday Bimb! I love you!" mababasa sa text caption ng IG story.

Wala pang reply o post si Bimby sa pagbati sa kaniya ng ama.
Si Bimby ay nakakatanggap ng papuri sa netizens dahil sa pag-aalaga niya sa kaniyang Mama Kris na nagpapagamot ngayon sa kaniyang mga sakit.