April 21, 2025

Home SHOWBIZ Events

It's Showtime nagbigay-pugay kina Pilita Corrales at Nora Aunor

It's Showtime nagbigay-pugay kina Pilita Corrales at Nora Aunor
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime/Kapamilya Online Live

Naghandog ng isang tribute ang "It's Showtime" para sa mga pumanaw na Philippine showbiz icons na sina Asia's Queen of Songs Pilita Corrales at National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, sa Monday episode ng noontime show, Abril 21.

Sa "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak," pinangunahan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang pagbibigay-tribute. Si Pilita ay naging hurado ng TNT habang si Nora naman ay kauna-unahang kampeon ng TNT noong 1967, noong hindi pa ito segment ng noontime show.

"Ang kanilang mga alaala at hindi matatawarang ambag ay mananatili sa ating mga puso at isipan, kabilang na ang pagiging bahagi nila ng Pambansang Kompetisyong patuloy na nagyayabong ng mga talentong Pilipino," ani Vice Ganda.

Nag-alay ng awitin para sa dalawang sumakabilang-buhay na icons sa pangunguna nina Vice Ganda, kapwa It's Showtime host at OPM icon Ogie Alcasid, Concert Queen at TNT hurado Pops Fernandez.

Events

James Yap, nagpaabot ng pagbati sa 18th birthday ni Bimby

Kinanta nila ang awiting "Handog" ni Florante para sa dalawang icons.

MAKI-BALITA: Pilita Corales—Asia’s Queen of Songs, pumanaw sa edad na 85

MAKI-BALITA: Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71