April 22, 2025

Home SHOWBIZ

Gardo Versoza, humirit matapos pumanaw si Nora Aunor: 'Ako na ang next!'

Gardo Versoza, humirit matapos pumanaw si Nora Aunor: 'Ako na ang next!'
Photo Courtesy: Gardo Veroza (FB)

Tila pabirong humirit ang batikang aktor na si Gardo Versoza matapos pumanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor.

Sa isang Facebook post kasi ni Gardo kamakailan, ibinahagi niya ang larawan mula sa isang eksena ng serye kung saan kasama niya si Nora at ang primera kontrabidang si Cherie Gil na pumanaw na rin noong 2022.

MAKI-BALITA: Showbiz veteran Cherie Gil, pumanaw na

“[M]ukhang ako na ang next ah ” saad ni Gardo.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wag ganun mars "

"Mabubuhay ka nman pag gabi machete ka eh"

"Hala! In Jesus Name..Di mo pa panajon cupcake marami pa tayong takbo na tatahakin.."

"Huuuuy wag ganun idol. Mahal ka ni Lord. Madami ka pa daw projects ba gagawin"

" wag ka mag alala gardo 2nd life mo na yan ,,nauna ka pa nga sana sa dalawa eh"

"Too soon... insensitive post."

Samantala, sa naunang post ni Gardo ay nag-alay naman siya ng pamamaalam kay Nora.

“[P]aalam mare ,,, hanggang sa muli ” aniya.

Matatandaang ayon sa isa sa mga anak ng Superstar na si Ian De Leon, acute respiratory failure ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina.

MAKI-BALITA: Acute respiratory failure, ikinamatay ni Nora Aunor