Naghayag ng pagsisisi ang aktres na si Cristine Reyes matapos pumanaw ang adoptive father niyang si “Daddy Metreng.”
Sa latest Instagram post ni Cristine noong Linggo, Abril 20, ibinahagi niya ang video ng huling alaala kasama ang ama-amahan niya.
“Sorry kung hindi ko na kinaya makita ka sa ospital. Pinagsisisihan ko na hindi kita nahagkan sa iyong huling hininga,” saad ni Cristine sa catpion.
Dagdag pa niya, “Luhaan man kami ngayon, alam namin na payapa ka na. Hindi ka namin makakalimutan, daddy. Kulang ang salitang ‘salamat,’ Dy.”
Matatandaang nag-agaw-buhay noong Marso si Daddy Metreng kaya isinugod sa World Citi Medical Center ayon sa isang Instagram story na ibinahagi ni Cristine.
Pero bago pa man ito, naospital na rin ang ama-amahan ni Cristine noong Hulyo 2023 sa parehong ospital na binanggit.
MAKI-BALITA: Stepdad ni Cristine Reyes, nag-agaw-buhay!