May 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Charo Santos natunaw sa hiya sa sinabi, ginawa ni Jim Paredes sa kaniya

Charo Santos natunaw sa hiya sa sinabi, ginawa ni Jim Paredes sa kaniya
Photo courtesy: Screenshot from Charo Santos-Concio (IG)/via Balita

Isang kuwento ang ibinahagi ng aktres at dating ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio hinggil sa engkuwentro niya sa singer-host na si Jim Paredes.

Ibinuking ni Charo na nasabihan daw siya noon ni Jim na "heartless."

Naatasan daw kasi siyang magsabi noon kay Jim at sa co-host nitong si Gel Santos na titigbakin na ang TV show nilang "Tatak Pilipino" noong 80s, na bagama't award-winning, ay mababa naman ang ratings.

"Ako po ang naatasan as a programming director to talk to the hosts and say na kailangan nang tapusin ang programa. I met with Jim and Gel at sinabi ko 'yong reasons behind it, tinanggap naman nila," kuwento ni Charo.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Akala ni Charo ay maayos naman ang lahat, subalit nang magkaroon ng team building ang APO Hiking Society, dito ay sinabihan ni Jim si Charo na "heartless" ang ginawa nitong pagsabing tatapusin na ang show.

Nagkataon pa lang birthday ni Jim nang sabihin ni Charo ang gagawin sa Tatak Pilipino.

"Jim suddenly blurted out, 'You know, Charo, you're so heartless.' Nabigla ako-- parang, ha? I mean why? Why are you saying, that anong nagawa ko?' Sabi niya, 'You couldn't even wait. You know, when you cancelled 'Tatak Pilipino,' it was my birthday.'"

"Oh my God, natunaw ako sa hiya, I said sorry many times," pagbabahagi ni Charo.

May natutuhan daw si Charo sa nabanggit na insidente, at pinasalamatan niya si Jim dahil dito.

"I realized that actors, talents are not just a cog in the showbiz machine, they are persons who get hurt. Tinuro ko po 'yon sa lahat ng mga minentor ko afterwards--I took note of all the birthdays of all our talents. And from then on, we never cancelled a program on any of their birthdays," aniya.

"And Jim, if you are watching this, thank you so much for teaching this huge lesson in humility," pahayag pa ng aktres.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito si Jim.